Hanggang sa maging desperado, sasayaw at mag-aalay ng itlog kay Sta. Clara sa Obando, magdadasal sa iba pang Santa at Birhen, maglalakad nang paluhod sa simbahan ng Quiapo at Baclaran. | Desperation sets in, and they dance and offer eggs to Santa Clara in Obando, walk on their knees inside the Quiapo and Baclaran shrines.

November 5, 2025
This short story and its translation are part of “Osipon” featuring art by Rustom Pujado.
Bangkera
Hindi natitinag si Bong sa pagkakatayo sa gegewang-gewang na bangka ni Cora kahit pa hinahampas-hampas na ito ng malalakas na alon. Matindi naman ang pagkakakapit ng kaniyang asawang si Regina sa gilid ng bangka, nakayuko ito at hindi makatingin nang maayos sa mga namamangkang titig ni Cora. Hawak ni Bong ang isang pirasong itlog na kanina niya pa mataimtim na dinadasalan sa kaniyang nakasarang mga palad. Mula noong mapadpad ang mag-asawa sa isla ay hindi na mabilang ang itlog na binasag nila sa buto ni Ku£akog. At ito na ang huling itlog na itataya nila para sa kanilang pinapangarap na supling. Bukas ay lilisanin na nila ang isla para sa panibagong misyon. Matapos ang mataimtim na pagdarasal inihagis na rin sa wakas ni Bong ang itlog sa batuhan. Kumalat ang pula at ang malapot nitong puti sa mga nilulumot na bato. Tuluyan itong humalo sa tubig-alat matapos ang hampas ng alon.
“Kagaya ho ng maraming nag-iibigan ngayon sa mga teleserye, you and me against the world din po ang drama ni Ku£akog at ni Talarab noong unang panahon. Si Ku£akog ay isang engkantong tagapagbantay ng isla na nagmahal sa isang mortal…”
Palaging ganito sinisimulan ni Cora ang kuwento ni Ku£akog kung puro pinoy ang sakay ng kaniyang bangka. Kung may mga sakay na banyaga naman ay bumabalik na lang siya sa sinaulong manwal sa Ingles na ibinigay sa kanila ng tourism office. Pero hindi siya komportable sa ganoon. Alam niya kasing higit sa kung kanino man ay siya ang nakababatid ng kuwento ni Ku£akog. Laman ito ng mga tanghali at gabi ng kaniyang pagkabata sa bisig ng kaniyang Lola Anding habang pinatutulog siya nito. Kay Ku£akog daw siya ipinangalan ng kaniyang lola dahil hindi raw nalalayo sa kuwento ng pag-ibig ng mga tauhan ang naging wakas ng pag-iibigan ng kaniyang mga magulang. Pinaghiwalay raw sila ng dagat at lupa. Namatay sa lumubog na bangka ang kaniyang ama at ang kaniyang ina naman ay namatay noong ipinapanganak siya. Pero nauna nang nalunod sa luha ang kaniyang ina sa gabi-gabing pag-iyak dahil sa pangungulila bago pa man siya namatay sa pagsisilang kay Cora. Sinasabi nga ni Lola Anding sa kaniyang nag-iisang apo na marahil ay sa luha siya pinaglihi ng kaniyang ina, kaya lumaki siyang palaging mag-isa at parang walang pandama. Noong mag-ulyanin si Lola Anding, hindi na lamang sa tanghali at gabi naging laman si Ku£akog ng dila ng matanda. Sa ganitong daloy ng pagkukuwento sa kaniyang bangka unang nakilala ni Bong at Regina si Cora. Tuwang tuwa si Regina sa takbo ng kuwento at inaabangan ang bawat tagpo. Ni hindi niya napapansin ang hampas ng alon dahil sa pagsubaybay sa kuwento ni Ku£akog at Talarab. Habang si Bong naman ay mataimtim lamang na dinadasalan ang hawak na itlog.
Karaniwang mga nasa trenta hanggang sa kwarenta anyos ang mga sakay niya. Minsan, may mga singkwenta at mahigit pa. Bihira siyang magkaroon ng mga sakay na bata. Halos lahat ng sakay niya sa bangka ay mga mag-asawang naghahabol ng edad at humihiling ng himala para magkaroon ng anak. Sa dalawampung taon ni Cora sa pagiging bangkera, hindi na mabilang ang mga sakay niyang bumalik sa isla upang muling sumampa sa kaniyang bangka para maghagis naman ng bulaklak sa batuhan bilang pasasalamat kay Ku£akog para sa ibinigay nitong supling sa pamilya. Pero mas marami pa rin ang bumabalik para muling maghagis ng itlog sa batuhan, muling subukan ang swerte at himala. Sa dami ng kuwento ng mga mag-asawang nagtagumpay at nabigo, hindi na maalala ni Cora ang lahat. Iisa lang din naman kasi ang padron ng lahat ng kuwento. Matagal na sumusubok na makagawa ng bata, hindi makabuo. Lilipas ang mga taon, ganun nang ganun, wala pa rin. Hanggang sa maging desperado, sasayaw at mag-aalay ng itlog kay Sta. Clara sa Obando, magdadasal sa iba pang Santa at Birhen, maglalakad nang paluhod sa simbahan ng Quiapo at Baclaran, wala pa rin. Hanggang sa mapadpad sa isla at sa wakas ay makabubuo na ng supling, subalit mas madalas pa rin ang mga kuwentong nauuwi sa kabiguan. Paulit-ulit, puro ganito at ganyan ang mga kuwentong naririnig ni Cora. Sa lahat, namumukod tangi ang kuwento ni Bong at Regina para sa kaniya.
Pastor si Bong, kasama ang asawang si Regina, nadestino sila sa isla para sa isang misyon. Gaya ng ibang mag-asawa marami na ring sinubukan ang dalawa para makabuo ng anak pero katulad rin ng iba, maraming ulit din silang nabigo, maraming ulit na pumalya si Bong, at mas maraming ulit na nasaktan si Regina. Mahilig pa naman sa bata si Bong. Sa katunayan, tuwing hapon, kasama niya ang mga bata sa may dalampasigan at nagbabahagi siya ng mga kuwento mula sa bibliya tungkol sa paglalakbay ng batang Hesus. Magiliw siyang tinanggap ng mga batang dati ay pamumulot ng bato at pagtatakbuhan lang sa baybayin ang inaatupag. Minsan, kapag tapos na ang kuwentuhan ay nakikipulot at nakikitakbo rin si Bong kasama ang mga bata sa baybayin. Sa gabi, sa kaniyang panaginip ay nakikipulot at nakikitakbo pa rin siya sa hindi niya mabilang na anak. Magigising siyang amoy dagat at pawis na pawis. Mapapabangon din si Regina at yayakapin ang asawa. Ikukuwento ni Bong ang kaniyang panaginip at magdadasal silang dalawa. Sa ganitong tagpo isinisilang ang kanilang pagtatangkang mabuo ang kanilang unang anak. Kapag nilabasan na sila ay hawak kamay silang muling uusal ng dasal. Makakatulog si Bong sa kaniyang mga pangarap at si Regina naman ang mananatiling gising hanggang umaga. Sanay naman siya sa puyatan sa Manilaa, pero sa isla, parang labag sa batas ng kalikasan ang pagpupuyat, dahil tila mas mahahaba ang mga gabi rito kumpara sa lungsod. Sa sandaling makabalik na sa pamumulot at pagtakbo si Bong sa kaniyang panaginip. Lumalabas si Regina sa nirerentahan nilang bahay at pumupunta sa baybayin. Doon naririnig niya ang humihilik na isla kasabay ng ugong ng mga alon. Tanging ang mga tala at buwan na lang ang kasama niyang tumatanod sa buto ni Ku£akog mula sa malayo. Doon niya hinahanap-hanap ang mas matatayog at kongkretong gusali ng Makati na una niyang makikita sa bintana paggising. Marami pa siyang hinahanap sa pagitan ng langit, dagat, at lupa. Pero parang kahit saan, hindi niya mahahanap ang kaniyang sarili.
Kakaiba ang bangka ni Cora sa lahat ng bangkang nakanguso sa buhanginan. Kulay rosas itong matingkad. Samantalang ang iba ay kupas na at nababakbak pa ang mga pintura. At sa lahat, ang bangka lang ni Cora ang baog na hindi nakapagluluwal ng isda. Hindi tulad ng mga bangkang namamalakaya at tumatagal ng ilang linggo sa laot, ang bangka ni Cora ay sakayan lamang ng mga turistang gustong puntahan ang buto ni Ku£akog at iba pang maliliit na islang malapit dito. May ibang bangka ring ginagamit ng mga turista pero sa mga araw na walang ipapasyal ay pumapalaot din ang mga ito para manghuli ng isda. At dahil hindi naman araw-araw ay may turista, madalas na naiiwang mag-isa ang bangka ni Cora sa buhanginan. Naiiba rin marahil si Cora sa ibang babae sa isla. Ang iba kasi ay nasa loob lang ng kanilang mga bahay at hinihintay ang muling pagdaong ng kanilang mga asawa, ama, anak, at kapatid na lalaki. Kasama nilang nag-aabang ang mga banyerang naghihintay ring malamnan ng isda at iba pang lamang dagat. Samantalang si Cora sa mga pagkakataong katulad nito ay nakadungaw lamang sa bintana, humihigop ng kape at tinatanaw ang paghampas ng alon sa buto ni Ku£akog. Lalabas na lamang siya kapag ang mga isda ay nakalatag na sa talipapa. Ugali ni Cora na hindi pakaliskisan ang mga binibili niyang isda. Gusto niyang siya ang naghuhugas at nagkakaliskis sa kaniyang mga nabibili. Masarap sa pandama ang mga nagbabakbakang kaliskis para sa kaniya, maging ang dulas ng isda kapag tinatanggalan ang mga ito ng apdo. Hindi naman siya bago sa langsa ng dagat pero nahahalina pa rin siya sa langsa ng mga isda. Minsan, isang gabi may kumatok sa kaniyang bahay habang naghuhugas siya ng isda. Si Regina, may dalang cosidong dinurado. Agad niyang pinatuloy ang usok mula sa bagong lutong ulam kasama ang bisita. Naalala niyang hindi niya pala natapos ang kuwento sa bangka kanina dahil sa sobrang lakas na ng mga alon. Natandaan niya si Regina dahil sa lahat ng naisakay niya sa kaniyang bangka ay siya lamang ang naghagis ng lambat ng atensyon sa kaniya. Naroon pa lang siya sa pagpapakilala sa hilig ni Talarab sa pamimitas ng bulaklak at pamumulot ng perlas nang mag-aya ang mga turistang bumalik na sa dalampasigan. Itatanong na sana ni Cora kung gusto nitong ituloy ang naunsyaming kuwento pero pinigilan siya ni Regina. Maraming beses pa raw silang sasakay sa bangka ni Cora ng kaniyang asawa dahil magtatagal ang misyon nila sa isla, at mas gusto niyang marinig ang kuwento kapag naroon na sila sa may batuhan. Isinantabi ni Cora ang hinuhugasang isda at inilagay sa styro na pinuno ng yelo. Nagpaalam din agad si Regina pagkabigay ng ngiti at ulam kay Cora, at may naiwang kakaibang langsa sa hapag ni Cora. Nasabik siya sa paghigop ng sabaw.
Hindi iyon ang una at huling dalaw ni Regina sa bahay ni Cora. Ang mga isa sa isang buwang dalaw ay naging isa sa isang linggo, hanggang sa maging araw-araw na. Mabilis lang nilang nabingwit ang loob ng isa’t isa. Naging regular na sakay na si Regina ng bangka ni Cora kahit pa wala si Bong na abala sa mga gawain sa maliit na kapilya. May mga pagkakataong sila lang ang laman ng bangka. Si Regina naman ang nagkukuwento at si Cora naman ang nakikinig. Sinasagwan ni Regina ang kuwento papalayo sa isla at dagat papunta sa matatayog na gusali ng lungsod. Ibinibida niya sa kaniyang tagapakinig ang malalawak na lansangan na hindi nawawalan ng sasakyan, maging ang mga kalsadang araw-gabing hindi nauubusan ng mga taong naglalakad. Ika niya, lahat ng tao ay may gustong puntahan, wala nang gustong humihinto para tingnan ang siyudad. Maganda pa rin naman ang Manilaa, dagdag niya pa, abala lang talaga ang taong makita pa iyon. Nakatitig lang si Cora habang tuloy-tuloy sa pagsasagwan si Regina papalayo sa buto ni Ku£akog. Binubuo ni Cora ang lungsod sa kaniyang isipan. Tinayuan niya ito ng matatayog na gusali, malalawak na kalsada at nilagyan ng maraming maraming tao. Sikip na sikip siya at hindi maatim ang hitsura ng lungsod sa kaniyang isipan habang tinatanaw ang maliliit na kabahayan sa dalampasigan ng isla.
“Pero kahit na gaano kasikip ang lungsod, kapag nakahanap ka ng pusong titirhan, lumuluwag at nagiging paraiso ang Manilaa.”
Dumampi kay Cora ang mainit na hangin ng Karagatang Pasipiko. Nakaramdam siya ng kakaibang init sa kaniyang katawan. Nagpapatuloy pa rin si Regina sa kaniyang kuwentong lungsod pero gumuho na ang siyudad sa isipan ni Cora. Walang pasabi, biglang tumalon si Cora sa kaniyang bangka. Natigilan naman si Regina sa pagkukuwento. Humalo sa dagat ang init ng katawan ni Cora.
“Para kang bata d’yan Cora! Malamig ba ang tubig?” Natatawa si Regina sa biglang pagtalon ng kaniyang sakay.
“Tama lang. Talon ka rin, marunong ka bang lumangoy, Manila girl?”
Mabilis na hinubad ni Regina ang kaniyang damit, iniwan niya lamang ang kaniyang mga panloob. Tanaw ni Cora ang kahubdan ng katawan ni Regina. Unti-unting nagbalikan sa kaniyang katawan ang pinakawalang init sa dagat. Nang tumalon sa tubig si Regina ay nagbadya sa pagsabog ang katawan ni Cora. Palagi na niyang naalala ang tagpong ito mula sa muli nilang pagsampa sa bangka at pagdaong sa dalampasigan. Hanggang sa pagligo sa batalan hanggang sa paghuhugas at pagkakaliskis sa mga napamiling isda. Unti-unti ay nakabisado na ni Cora ang mga mata ni Regina, madilim, madilim na madilim. Maging ang tangos ng ilong at nunal sa pisngi. Nakakabisa niya ang lahat ng ito sa pagpikit at sa kaniyang pagdilat ay mamamalas niya ang kabang tumutubo sa kaniyang dibdib, lalo na sa tuwing may kumakatok sa kaniyang pinto. Palaging nakaamba ang banta sa pagkatapon ng sabaw at pagkabasag ng pinggan at mangkok ng inihahatid na ulam ni Regina sa kaniyang mga kamay. Nakaramdam siya ng takot, kakaibang takot.
Minsang bilog ang buwan, tumambay si Cora sa tabi ng kaniyang bangka. Tinatanaw niya at hinihintay na isa-isang magpatay ng ilaw mula sa malayo ang mga bangkang pangisda. Para sa mga taga-isla, gabi ng pamamahinga sa pamamalakaya tuwing bilog na bilog ang buwan sa kalangitan. Nagsisipagtago raw kasi ang mga isda sa pinakailalim ng dagat. Nakaupo lang si Cora sa buhanginan, kinokopya ng kaniyang damdamin ang hinahon ng dagat habang sinusukat ang layo ng buwan sa huling bangkang may ilaw sa dagat. Nang tuluyan nang patayin ang ilaw sa bangka ay siya namang pagdating ni Regina sa may dalampasigan. Tahimik siyang dinala ng yapak ng kaniyang mga paa sa tabi ni Cora. Ngumiti lang ito at nakitanaw sa mga tala at buwan. Dahan-dahang sumalakay ang malalakas na alon sa dalampasigan ni Cora. Pinagtakpan ng ulap ang buwan habang buong gabing magkatabi si Regina at Cora, walang salita, pulos pag-unawa.
Naghuhugas ng nabiling isda si Cora. Magkakasunod na katok ang narinig niya. Inasahan niyang si Regina ito at ang kung anong dalang lutong ulam, kaya itinabi niya na muna ang hindi pa natatapos na mahugasang isda sa styro. Hindi niya mapigilang maglaway sa sabaw ng cocido habang papunta sa pinto. Pero umurong ang lahat ng laway niya nang mabuksang walang dalang mangkok si Regina. Nakatayo lang ito sa may pintuan kasama ang hanging hindi rin gumagalaw. Buhat niya ang kaniyang mga pasa sa braso at pisngi. Natuto itong magkuwento ng mas marami at mas malalalim pang sugat, mga sakit na hindi kayang mailarawan bilang latay o pasa. Iba ang langsang alok ng mga luha ni Regina. Langsang tumagos sa kaluluwa ni Cora na tila ang bawat patak ay nakapagbabakbak sa kaniyang mga kaliskis na matagal nang nakalingkis sa kaniyang puso. Unti-unti, habang niyayakap siya ni Regina ay ramdam niyang dumudulas ang kaniyang kaluluwa papalaya sa katawan niyang matagal nitong naging hawla.
Sa mga sumunod nilang pamamangka ay mas naging bukas na ang layag ni Regina sa pagkukuwento. Kasama niyang nagsasalaysay ang mga bukas pang sugat sa kaniyang bisig. Ikinukuwento nila ang matagal niyang pagtitimpi. Nagpapanggap na tubig-dagat ang mga luha ni Regina. Tumayo siya sa bangka at idinipa ang kaniyang mga kamay na parang katig sa hangin. Maya maya pa ay tinubuan siya ng pakpak at dinagit si Cora at inilipad sa kaniyang mundong gawa sa naglalakihang aspalto at bakal. Naroon nakita ni Cora si Bong sa pinakasentro ng kaniyang mundo. Barbariko at malayo sa imahen nitong malapit sa mga bata sa baybayin. May hawak siyang latigong bakal na hinahataw niya sa iba’t ibang direksyon. Galit na galit. Panay ang sigaw nito, pero hindi maintindihan ni Cora kung ano ang sinasabi. Natatanaw niya mula sa taas ang mga latay sa mga bakal na tinatamaan ng hagupit ng latigo. Nagsasaanyo itong kalawang na nagmamantsa sa kulay pilak na mga gusali. Pilit na inaabot ng mga latigong ito ang mga pakpak ni Regina. Nang madaplisan ito’y bumulusok sila ni Cora sa katabing sapa ng luha ni Regina. Nagising si Cora sa pagtalon ni Regina sa tubig. Sa pag-ahon niya, hubad na nakita ni Cora ang kaniyang katawan at napuna niyang hindi lamang sa pakpak humagupit ang mga latigong bakal ni Bong. Muling nakaramdam ng init si Cora sa hubad na katawan ni Regina, pero hindi kagaya ng una, pinag-aapoy siya nito sa galit. Sa pagdaong ng kanilang bangka natanaw niya si Bong na napaliligiran ng mga batang kinukuwentuhan niya ng mga aral tungkol sa babaeng binalak na batuhin ng bato hanggang sa mamatay.
Mula sa paghahatid ng cosidong dinurado at iba pang lutong bahay, si Regina na ang naghuhugas ng pinagkainan nila ni Cora. Tinuruan na rin siyang magkaliskis at maghugas ng isdang nabili nila sa talipapa. Habang sabay silang nagkakape at tinatanaw ang buto ni Ku£akog mula sa bintana, nagbukas pa ng isang bintana ng pag-uusap si Regina at doon walang sawang dumungaw si Cora.
“Baog ako!” Parang naramdaman ni Corang pumintig ang buto ni Ku£akog habang natigilan naman siya sa iniinom na kape. Nagpatuloy si Regina. Ilang ulit na raw siyang nagpatingin sa mga espesyalista sa Manila at pare-pareho sila ng sinasabi, na malabo na raw siyang magkaanak. Hindi niya sinasabi kay Bong kaya ilang taon na itong nagtataka.
“Ayaw niyang magpatingin kami sa doktor.” Ilang ulit niyang pinilit ang asawang magpatingin pero nagagalit lang ito sa kaniya. Palagi nitong sinasabi kay Regina na magtiwala lang sa Panginoon. Magmula sa pagkain, kaakibat ang pagdarasal, hanggang sa pagtulog, paggising, at muling pagkain, palaging naroroon ang pagdarasal. Hanggang sa kanilang pagtatalik, pati sa pananakit sa kaniya, kasama at kasama ang mga dasal. Hindi na niya maintindihan ang kaniyang asawa na para bang wala nang ibang inisip kundi ang magkaanak. Noon, ayaw nitong patulan ang mga pasayaw sa Obando at ang tradisyon ng paghahagis ng itlog sa isla pero unti-unti niya na ring natutuhan. Isang taon pa o kaya lima, o baka higit pa, matatanggap na rin siguro ni Bong ang pagpapatingin sa espesyalista bilang huling opsyon, naisip niya. At yun ang araw na ikinakatakot ni Regina, ang araw na malaman ng asawa na wala sa kaniyang pagkalalake ang problema, kundi nasa kaniyang sinapupunan. Malamig na ang kape, ‘sing lamig ng puso ni Cora. Parang itlog na nabasag sa dagat ang malaking araw nang isara nila ang bintana.
Madalas na nawawalan ng kuryente sa isla at karaniwan itong sa madaling araw sumasalakay. At sa mga kabahayang kinukumutan ng lamig at dilim ng gabi, hindi nila kailangan ng kuryente. Pero sa katawan ni Regina na nakaprograma sa layaw ng lungsod, malaking kakulangan sa gabi ang kuryente. Sa Manilaa, nakaugalian na niyang tingnan ang mga sariwang sugat na gawa ng mga sinturon ni Bong pagkatapos nilang magtalik. Naniniwala siyang mabilis itong gagaling kung tititigan niya ito nang tititigan. Palagi siyang inuumaga sa katitingin sa mga ito. Ngayong higit ang dilim sa gabi, mas nararamdaman niya ang lalim ng mga sugat na ito, na parang mas matagal-tagal bago maghilom. Sa kanilang dalawa ni Bong, siya ang engkanto, ang imortal. Marami siyang isinuko para sa asawa, para sa kanilang dalawa, at sa pamilyang pinapangarap nila. Makailang ulit siyang nagtangkang lumayas, pero ano mang gawin niya, tanging mga damit at maleta lamang ang naiimpake niya, at naiiwang nakasalansan sa kanilang bahay ang kaniyang sarili. Nagsindi siya ng kandila at nagkaroon ng anyo ang sakit na nararamdaman niya. Ganun din, nagkaroon ng hulma ang hitsura ng kaniyang pag-ibig sa katauhan ng natutulog na asawa. Pinalipas niya ang gabi sa mga anyo ng sakit at pag-ibig, alam niya na isa ang gabing kagaya nito sa mga gabing babalikan niya oras na handa na niyang isuko ang pag-ibig.
Sa tuwing tinatanggal niya ang dahon ng malunggay sa tangkay nito, nagtatalo rin sa kaniyang isipan kung sino ang unang kakalas sa kanilang dalawa sa relasyong meron sila. Palaging sinasabi ni Regina sa sarili na kailangang mauna siyang makabitaw bago pa man matutunan ni Bong na pwede pa siyang magkaanak sa ibang babae. Noong mga unang buwan ng kanilang relasyon, palagi ring sinasabi ni Regina na kailangan niya ring lumabas sa bahay at magtrabaho. Gusto niyang maging bahagi ng makinarya ng lungsod. Kahit paano ay tapos naman siya ng management, pero hindi pumapayag si Bong. Palibhasa mula sa maykayang angkan. Ang nanay mismo nito ang nagsabing, mamuhay na lang sila at palaganapin ang aral ng Diyos. Mula noon nakuntento na lamang siyang sulyapan ang lungsod mula sa bintana ng kanilang bahay. Napupuntahan niya ang mga gusali sa Makati pero hindi siya nagiging bahagi ng mga ito.
Nagpapaunahang bumalik ang kuryente at umaga sa isla, kapwa hinahangad na unang masulyapan ang mga sariwang sugat ni Regina. Karaniwan namang nahuhuli sa karera ang paggising ng asawa. Mas nauuna pang uminit ang tubig, at matimpla ang kape. Minsan ang mabangong amoy pa mismo nito ang gumigising kay Bong. Pagbangon nito, sabay silang magdarasal ni Regina. Si Bong ay maghahanda para sa pagpunta sa kapilya, at si Regina naman ay naghahandang paliparin ang kama papunta sa lungsod, papalayo sa isla, papalayo sa piling ng mababangis na latigo ng kaniyang asawa.
Wala sa wisyo si Cora sa paghuhugas ng isda. Ang mata niya ay nasa isda pero ang tenga at pandama niya naman ay nakasabit sa pinto. Makailang ulit na dumulas at nalaglag sa sahig ang kawawang isda. Dinadampot niya at paulit-ulit ding inihagis sa planggana sa lababo. Tinitigan niya ang matang baka, mata sa mata, at bumulong ng maraming baka sakali at muling dumulas sa kamay niya ang isda. Isinilid niya na lang ang lamog na isda sa styro. Hinugasan niya ang kamay pero hindi nawala ang langsa ng isda at ang isang milyon pagbabakasakali. Lumabas siya para bisitahin ang kaniyang bangka. Nakadaong din ang iba pang bangkang pangisda. Napansin niyang bagong pintura ang mga ito. Bawat isa ay may mga nakapinturang pangalan sa kanilang mga pisngi. Karaniwan pangalan ng anak na babae, o asawa ng mangingisda ang nakasulat sa mga ito. Sa kaniya lang ang walang pangalan. Pangalan naman nino ang ilalagay niya, naisip niya. Umupo lang siya at pinagmasdan ang nakangiting buwan. Sa daliri niya naman ay binibilang niya ang nahuhulog na bituin. Sabi ng kaniyang Lola Anding, kapag nakapagbilang siya ng sampung bulalakaw sa isang gabi, matutupad ang kahilingan niya. Siyam na ang bilang ng mga daliri sa kamay niyang nakatukod sa buhanginan. Matiyaga niyang tinitingala ang kalawakan. Isa na lang, sa isip niya. Pero parang telon na nahulog ang ulan mula sa kalangitan. Tapos na ang palabas para sa gabi. Umuwi siyang nakatupi pa rin ang hinlalaki sa kaliwang palad. Kusa itong bumuka nang madatnan sa pinto si Regina. Alam niya na sa mga sandaling iyon, nahulog na siya.
Maingat tulad ng paghigop sa sabaw ang mga sumunod na araw para kay Cora. May mga gabing hindi niya isinusuot ang tainga upang hindi marinig ang mga katok sa pinto ng mga inaasahang bisita. Takot siyang mapaso sa mainit na sabaw. Muli, paisa-isang tumubo sa kaniyang puso ang makakapal na kaliskis. Ilang araw niyang hindi natanaw ang langit, ang dagat, ang buto ni Ku£akog, at si Regina. Kinabisado niya ang dilim at ang limitadong alok na liwanag ng mga awang sa pinto at bintana. Pinilit niyang maging ibang tao o maging dating Regina na walang pandama. Sa paglabas niya sa kasunod na araw, nakita niya sa dalampasigan si Regina nagtangkang kumawala ang kaniyang puso sa makakapal na kaliskis pero hindi ito nakapalag. Agad na nilapitan ni Regina at kinumusta ang abalang si Cora sa pagkakalag sa tali ng bangka. Matipid na ngiti ang isinauli ni Cora habang itinutulak ang bangka kasama ang ilang nakatambay na mangingisda. Natapunan naman ng pagtataka si Regina. Ayaw man ni Cora, ay sumakay sa bangka si Regina. Narating nila ang laot na walang kibuan. Tanging mga alon at hangin lamang ang namamayani sa kanilang pagitan. Iniumang ni Regina ang kaniyang mga tingin. Nakayuko lamang si Cora nang tumabi sa kaniya si Regina. Mula sa pagkakayuko, natanaw ni Cora ang mga bagong sugat ni Regina sa may hita. Iniabot ni Cora ang pagtingin at tinanggap naman ito ni Regina. Malakas ang bugso ng bagyo sa mata ng isa’t isa. Niyakap ni Regina si Cora. Ilang saglit pa ay tumalon sa dagat ang kaliskis sa puso ni Cora. Saglit siyang bumitiw at iniabot kay Regina ang kaniyang labi. Kapwa silang napapikit. Tinanggap ni Regina nang buo ang labi ni Cora. Nasa mata na sila ng bagyo, ang kanilang bangka, ang kanilang mga uniberso. Mahinahon ang kanilang mga halik at sa muling paghampas ng malakas na alon. Bumitiw si Regina at nagpadaong ng isang malakas na sampal sa pisngi ni Cora. Kapwa silang nagulat. Si Regina sa tinanggap na halik, at si Cora naman sa sampal. Kapwa silang hindi handa, pero hinayaan nilang magpatangay sa kasunod na bugso ng bagyo at isinuko ang sarili sa isa’t isa. Gabi na sila muling dumaong sa baybayin. May ngiti sa kanilang mga labi. Parang ukit ng kanilang mga pangalan sa buhanginan na hindi mabubura ng kahit na anong alon at yapak.
Mainit pa ang sinigang na bangus sa hapag. Alam ni Cora na anumang oras ay kakatok na si Regina. Sa mahabang panahon nilang pagiging magkakilala parang ito pa lang ang unang beses na siya naman ang magluluto para kay Regina. Mabilis at sabik na sabik na binuksan ni Cora ang pintuan nang may kumatok. Pero nabitiwan niya sa sahig ang pagkasabik nang makitang si Bong ang nasa kaniyang harapan.
“Magpapasalamat lang ako, Cora. Sa makalawa na kami babalik ng Manilaa ni Regina.” Aalukin niya sana itong maghapuan, pero mabilis din itong nagpaalam dahil susubukan daw nitong muling hingian ng anak si Regina. Tinanong niya rin si Cora kung pupuwedeng sumampa sa bangka kinaumagahan. Napa-oo naman siya at naiwan sa hapag kasama ang mainit na sabaw. Ni hindi niya ito natikman, pero nakaramdam siya ng paso sa kaniyang dila. Naalala niya ang imahen ng nakatalikod na pastor na dahan-dahang lumalayo mula sa pintuan. Parang gusto niyang undayan at pakawalan ng maraming maraming saksak pero hindi niya magawa, tanging malakas na kalabog na lang ng pinto ang napakawalan niya.
Matapos na humalo sa dagat ang nabasag na itlog, nagpasya silang pumunta pa sa mas malalim na bahagi ng dagat. Sa pagkakataong ito, si Bong naman ang nagsisilbing tourist guide ng dalawang babaeng namamangka sa katahimikan. O anong dakila ang likha ng ating Panginoon, ika niya. Nagtanggal ito ng damit at tumalon sa dagat. Ninamnam niyang husto ang obra maestro ng kaniyang manililikha. Inilatag naman ni Cora ang mga salita na parang uod sa dulo ng pamingwit. Subalit naging mailap si Regina at piniling magpakalunod sa katahimikan. Tumingala ito at napuna ni Cora na may bago itong pasa sa pisngi. Mabilis na isinilang ang apoy sa gitna ng dagat. Nagtangka si Corang lumundag sa bangka at sugurin ang pastor, pero mabilis siyang hinawakan ni Regina.
“Sumunod ka sa Manila!”
Patlang. Walang tinig na lumabas mula sa bibig ni Cora. Nanigas din ang kaniyang batok, ni hindi niya kinayang tumango o umiling man lang. Mabilis na nagsipagtayo ang mga gusali sa kaniyang isipan. Naroon din ang iba’t ibang ruta ng lansangan at mga kalsada. Pero sa pagtanaw niya sa dalampasigan at sa buto ni Ku£akog, naramdaman niyang nakaangkla ang kaniyang puso sa isla.
“Susubukan ko.”
Tumayo si Regina sa bangka. Muling idinipa ang mga kamay at braso na parang mga katig. Ilang ulit na inakay ni Regina si Cora, pero hindi siya makaalis sa pagkakaangkla sa isla. Tuluyang lumipad si Regina papalayo. Pilit na tinanaw ni Cora si Regina hanggang tuluyan itong lumiit sa kaniyang paningin, natunaw, at maging likido sa porma ng luha. Muli niyang nabingwit sa dagat ang mga kaliskis ng kaniyang puso at idinaong ang bangka sa dalampasigan nang mag-isa.
“Hindi nagkaroon ng anak si Ku£akog at Talarab. Walang nakaaalam kung ano ang magiging buhay nila kung nagkaroon sila ng supling at hindi sila hinadlangan ng mga tao, ng tadhana, at pagkakataon. Pero narito tayo sa mundong hindi sila nagkatuluyan, sa mundong anong malay natin ang kasunod.” Nagpatuloy si Cora sa pagpapakilala kay Ku£akog sa mga bagong turista sa isla habang sakay ng gegewang-gewang at bagong pinturang bangkang pinangalanan niyang Regina.
First published in P’wera Bisita, Balangay Books 2018
The Boatwoman
Bong stands unfazed on Cora’s wobbly boat, rocked as it is by strong waves. Meanwhile, his wife Regina tightens her grip on the side of the boat, her head down and unable to look back at Cora’s searching stare. In his closed palm, Bong holds an egg he has been praying to. Ever since the husband and wife moved to the island, they have hurled countless eggs at Ku£akog’s Penis. And in this egg is their last gamble for their dream of having a child. Tomorrow, they will leave the island for another mission. After deep prayer, Bong finally throws the egg. The yolk explodes, along with the sticky egg white, on the moss-covered rock. It completely merges with the sea after being engulfed by waves.
“Just like many lovers in today’s soap operas, Ku£akog and Talarab also had a you–and–me–against–the–world drama back then. Ku£akog was an enchanted guardian of the island who fell in love with a mortal…”
This is how Cora starts the story of Ku£akog if all her passengers are locals. If there are foreigners on board, she reverts to the memorized manual in English given to her by the tourism office. She doesn’t feel comfortable in those instances, when the telling feels detached. More than anyone, she knows the story of Ku£akog by heart. It was what filled the early afternoons and evenings of her childhood, while she was being made to fall asleep in the arms of her grandmother Lola Anding. It is said that she was named after Ku£akog by her grandmother because the story of the characters is not very different from that of her parents’ romance. It is said that the earth and the sea separated them. Her father died in a boat accident, and her mother passed away while giving birth to her. But even before dying in childbirth, her mother had already drowned in tears from crying every night because of grief. Lola Anding would tell her only granddaughter that perhaps her mother was consumed with tears during her pregnancy, and that is why Cora grew up always alone and seemingly emotionless. When Lola Anding grew senile, it was no longer only at noon or at night that she spoke of Ku£akog.
It was while in her own flow of storytelling on her boat that Bong and Regina first met Cora. Regina was so amused by the plot that she anticipated every chapter. She barely noticed the force of the waves as she paid attention to Ku£akog and Talarab’s story. While Bong simply remained in deep prayer to the egg in his hand.
Cora’s passengers are often in their thirties or forties. Occasionally, in their fifties or older. She seldom has young passengers. Almost all of them are married couples running after time and wishing for the miracle of conceiving. In the twenty years Cora has been a boatwoman, she can no longer count the people who returned to the island to join her again in order to throw flowers as a sign of gratitude to Ku£akog for the child he has given them. However, a lot of them would also return to again throw eggs, trying their odds once more. Due to the sheer number of stories of couples who were successful and who failed, Cora cannot remember them all. Mostly because all of the stories have one pattern: several years of attempting to conceive, and failing. Until desperation sets in, and they dance and offer eggs to Santa Clara in Obando, pray to some other patroness or the Virgin Mary, walk on their knees inside the Quiapo and Baclaran shrines, and still nothing. Until they wander onto the island and finally conceive, but more often than not the stories end in heartache. Cora hears these kinds of stories again and again, over and over. Of all of them, Bong and Regina’s story left the biggest impression on her.
Bong is a pastor, and he and his wife Regina were assigned to the island for a mission. Like other couples, the two tried several methods to have a child and like others, they were disappointed many times. Bong often fumbles, and even more often Regina is the one who feels inadequate. Bong loves to be around children. In fact, every afternoon, he goes to the shore where children play and he shares stories about the adventures of the child Jesus from the Bible. He is welcomed wholeheartedly by the children who in the past were preoccupied with collecting stones and running around the beach. Sometimes, after storytelling, Bong also picks up stones and runs along with them. At night, even in his dreams, he is still picking up stones and running with uncountable children. He wakes up smelling like the sea, drenched in sweat. Regina also gets up and embraces her husband. Bong narrates his dream and they pray together. In these instances is their desire to have a child born. After they finish, they hold hands and pray again. Bong falls asleep to his dreams while Regina remains awake until morning. She is used to sleepless nights in Manila, but on the island, it feels like it’s against nature to stay up late since the nights are longer. The moment Bong returns to picking up stones and running in his dreams, Regina heads out of their rented house, and goes to the shore. There she hears the snoring of the island alongside the groans of the waves. Only the stars and the moon accompany her, watching Ku£akog’s Penis in the distance. There, to no avail, she also looks for the erect concrete buildings of Makati that used to greet her in the window when she woke up. She is searching for many things between the sky, the sea, and the earth, but wherever she looks, she can’t seem to find herself.
Cora’s boat is different from all those docked in the sand. It’s a bright rose color, for one. While the others are faded, their paint chipping off. And among all of them, Cora’s boat is inept since it can’t fish. Unlike boats that travel and stay for weeks in the water, Cora’s boat is only for tourists who want to go to Ku£akog’s Penis and the surrounding islets. There are other boats that are for tourist hire, but on days without visitors, these also go out to catch fish. And since tourists don’t come daily, often Cora’s boat is left alone on the shore. Unlike other women on the island, Cora is perhaps considered different. Most stay inside their homes and wait for their husbands, fathers, sons, and brothers. They all wait with large tubs that are wanting to be filled with fish and other catch. While Cora, on occasions like these, only stares out her window, sipping coffee and observing the crashing of waves onto Ku£akog’s Penis. She only comes out when the catch is laid out in the stalls of vendors. She prefers to buy them with scales still intact. She likes to wash and descale the fish herself. She relishes the sensation of scales scraping off, even the slippery texture when she removes the innards. She is no stranger to the scent of the sea but she is always attracted to the stench of fish. One night, someone knocks on her door while she is cleaning fish. Regina, with a bowl of cosidong dinurado. She immediately lets the steam from the freshly cooked dish enter the house, along with the guest. She remembers that she did not finish the story in the boat earlier because of the strong waves. She recalls Regina, because of all her passengers she’s the only one who gave Cora her full attention. Cora was at the part where she introduced Talarab’s hobby of picking flowers and collecting pearls when the tourists on board asked to go back to shore. Now Cora is about to ask if Regina wants to hear the rest of the story but Regina stops her. She says she will take Cora’s boat several more times with her husband since their mission has been extended, and she prefers hearing the story when they are near the rock. Cora sets aside what she was washing and places it in a styro box full of ice. Regina says her goodbyes after giving her a smile and the bowl, a briny aroma now left on her table. Cora craves to taste its broth.
It isn’t the first or last time Regina visits Cora’s house. What starts as occasional drop-ins turns into frequent visits, until they become a daily affair. They get along easily. Regina becomes a regular on Cora’s boat even without Bong, who is preoccupied at the small chapel. There are times when it is only the two of them. Regina talks as Cora listens. She takes the story away from the island and the sea towards tall buildings in the city. She gushes about the wide neighborhoods that are never without cars, and the streets that never run out of people walking day or night. She says everyone wants to go somewhere, no one wants to stop and discern the city. Manila is beautiful, she adds, people are just too busy to notice. Cora stares at Regina as she continues to sail them away from Ku£akog’s Penis. She forms the city in her mind. She builds tall structures, wide streets, and places hundreds of people on those wide streets. She feels suffocated and can’t allow the shape of the city into her mind while she can see the small houses of the island on the shore.
“No matter how crowded the city is, if you find a heart to shelter you, Manila will become paradise.”
The warm wind of the Pacific touches Cora’s face. She feels a singular warmth in her body. Regina keeps on talking about the city, but it has already crumbled in Cora’s mind. Without warning, Cora jumps into the water. Regina stops. What Cora feels in her body merges with the sea.
“You’re so silly, Cora! Is the water cold?” Regina finds herself laughing.
“It’s alright. Join me. Can you swim, Manila Girl?”
Regina quickly takes off her clothes, leaving only her underwear on. Cora sees her naked body. Slowly the heat released in the water comes back to her body. When Regina jumps into the water, Cora feels as if her own body will explode. She will recall this episode again and again even after they head back. While taking a bath, while cleaning and scaling fish. Little by little Cora memorizes Regina’s deeply dark eyes. The shape of her nose and the mole on her cheek. She remembers all of these when she closes her eyes, and once she opens them she feels fear in her chest, especially when someone knocks. There’s always the risk of dropping the bowl or plate whenever Regina brings food to her hands. She is afraid, with a singular type of fear.
On a full moon, Cora hangs around her boat. Watching and waiting for the lights from distant boats to go off, one after another. For locals on the island, a full moon means a night of rest. Fish are hiding in the deepest parts of the sea. Cora is sitting on the sand, her emotions mimicking the calm of the sea while she measures the distance of the moon to the last boat with its lights on. Regina arrives as the light goes out. She quietly reaches Cora. She smiles and also stares at the sky. Slowly the strong waves crash into Cora. The clouds cover the moon while they are together the whole night, grasping without a single word.
Cora is cleaning fish. She hears successive knocks. She is expecting Regina to bring food, so she sets aside the fish. She can’t help but salivate for the broth of cosido as she heads to the door. But her mouth dries up when she opens the door to Regina, who isn’t holding anything. Just standing at the door along with the unmoving wind. She brings with her the bruises on her arms and cheeks. She learns to open up even deeper wounds. Regina’s tears are of a different scent. A scent that passes through Cora’s soul and every drop of it rinses the scales that have long covered her heart. She doesn’t speak and slowly embraces Regina, and she feels her soul slipping from her body, like a fish slipping from a net.
On their next trips Regina is more open to talking. With her recounting are exposed wounds on her arms. They talk about her meekness. Regina’s tears are pretending to be salt water. She stands up and spreads her arms like outriggers in the wind. Later she grows wings and takes Cora into her world made of asphalt and steel. There Cora sees Bong in the absolute center. His image is barbaric and different from the one who is devoted to the kids on the beach. He carries an iron whip, slinging it. Furious. He’s shouting, but Cora can’t understand the words. She can see from the dents on the steel where Bong’s whip has struck. They were rust staining the silver buildings. The whip is striking at Regina’s wings. When it connects, she crashes into a nearby lake made up of Regina’s tears. Cora wakes up as Regina jumps into the water. When she surfaces, Cora sees her body and sees that it isn’t only her wings that are injured by Bong’s whip. Cora again feels warmth at the sight of Regina’s body, but unlike before, she is now burning with anger. When they return to shore, she sees Bong surrounded by children listening to him tell the moral of the story of the woman who was about to be stoned to death.
From bringing her cosidong dinurado and other dishes, Regina now washes the plates after they eat. She also learns how to descale and clean fish. While having coffee together and gazing at Ku£akog’s Penis, Regina opens another window and Cora cannot stop looking through.
“I’m barren!” It’s like Cora feels Ku£akog’s Penis tremble as she stops sipping her coffee. Regina continues, saying she had checkups with specialists in Manila and they all said the same thing. She hasn’t told Bong, and that’s why he has been puzzled all these years.
“He doesn’t want us to see a doctor.” She tries persuading him but he only ends up getting mad at her. Trust in the Lord, he keeps saying. Beginning with eating, prayer is always there. Until they go to bed, wake up, and eat again, they cannot escape prayer. Even when they make love, including when he hurts her, prayer is never left out. She cannot understand her husband, who seems to have no other thought other than to have a child. Back then, he didn’t want to dance at Obando and try other folk traditions like throwing an egg on the island but slowly he learned all of these. One more year or maybe five, maybe more, Bong might learn to accept seeing a specialist as the last option, she thought. And that’s the day Regina fears the most, the day he learns that his manhood is not the issue. The coffee has turned as cold as Cora’s heart. When they finally close the window, the sun is like an egg crashing into the sea.
The island frequently loses power during early mornings. The houses blanketed by the cold and darkness don’t exactly need electricity. However, for Regina, who is used to the privileges of the city, the lack of power at night is a bother. In Manila, she has grown used to looking at her fresh wounds made by Bong’s belt after they have sex. She believes that they will heal faster if she stares at them intently. Often she would stare at them until the morning. Now that the night is darker, she can feel the depths of her wounds more, sealing up much slower. Between the two of them, she’s the enchanted one, the immortal. She gave up a lot of things for him, for the two of them, and the family they dreamt of. She has attempted to flee several times, but no matter what she does, she can only pack clothes and prepare her luggage. Her body keeps getting stuck in the house. She lights a candle and the pain she feels has taken shape. It’s the same as her love, which has also taken the shape of her sleeping husband. She passes the night in the figures of pain and love, knowing a night like this is one of the nights she would return to the moment she is ready to surrender her devotion.
Whenever she removes the malunggay leaves from their stem, she’s also arguing in her mind which one of them will let go first. Regina always says to herself that she should leave before Bong realizes that he can have kids with another woman. During the first month of their marriage, she offered to find work. She wanted to be part of the city’s machinery. She finished her degree in management, but Bong wouldn’t allow her to work. You could really tell he comes from a well-off family. His mother herself said that they should just spread the good news of the Lord. From then on, she learned to be content with just seeing the city from the window. She could visit the buildings in Makati but she could never be a part of them.
The electricity and the morning light race to return to the island, both desiring to be the first to see Regina’s fresh wounds. Often in that race, her husband comes last. The water boils first, and coffee is prepared. Sometimes the strong aroma is what wakes him up. When he gets out of bed, they will pray. Bong will prepare to go to the chapel, and Regina will prepare to set flight from the bed towards the city, away from the island, away from his ruthless whip.
Cora’s mind is not in cleaning the fish. Her eyes are on it but her ears and her senses are waiting on the door. She has dropped the poor fish on the floor several times. She picks it up and repeatedly throws it again at the bowl on the sink. She stares at the eyes, and they would whisper many what-ifs, before slipping again from her hands. She finally places the beaten fish in the styro. She washes her hands but the stench and a million what-ifs stay. She goes out to her boat, docked alongside others. Many of them are newly painted. Each one has a name written on its side. Usually the name of a daughter or wife. Only hers doesn’t have a name. Whose name would she write, she wonders. She sits down and watches the smiling moon. She can count the number of falling stars on her fingers. According to her Lola Anding, when you can count ten meteors in one night, your wish will come true. She counts nine with her fingers, her palm leaning against the sand. She patiently stares at the universe. One more, in her mind. But like a blanket, rain falls from the sky. The show is over. She goes home with her left thumb still folded into her palm. It opens on its own when she sees Regina by the door. She knows at that moment, she has already fallen.
For Cora, the days that follow are like sipping hot broth, trying not to get scalded. There are nights when she closes her ears so she can’t hear the knocks from her anticipated guest. She fears being burnt by the hot soup. Again, thick scales grow one after another around her heart. For several days she doesn’t see the sky, the sea, Ku£akog’s Penis, or Regina. She masters the dark and the limited light passing through the creases in the door and window. She forces herself to be a different person or to be the Cora from the past who didn’t feel anything. The next time she goes out, she sees Regina on the beach and her heart attempts to break away from the thick scales surrounding it, but it fails. As she is busy with laying down rope, Regina approaches her and asks how she’s been. A frugal smile is all that Cora returns while pushing the boat along with other fishermen. Regina is confused. Even with Cora’s protests, Regina gets on the boat. They reach open water without speaking, only the waves and wind between them. Regina focuses her sights towards Cora. Cora is looking down when Regina sits beside her. Even with her head down, Cora can still see the new wounds on Regina’s thigh. Cora hands over her affection and Regina accepts it. Between them a storm rises. Regina embraces Cora. A few more moments and the scales on Cora’s heart jump into the water. They let go for a moment and Regina leans her lips over. Both close their eyes. Regina takes Cora’s full lips. They are at the eye of the storm, their boat, their universes. Their kisses are calm and again the waves crash into them. Regina lets go and lands a hard slap on Cora’s cheek. They are both surprised. Regina with the kiss, Cora with the slap. Both are not ready, but they allow themselves to be carried over by the storm and surrender themselves to each other. It is already night when they return. Smiles on their faces, like their carved names on the sand that can’t be erased by any wave or step.
The sinigang na bangus is still warm. Cora knows that Regina will knock any minute. For the time they have known each other, this is the first instant she is cooking for Regina. Cora is quick when she hears the knock. She drops her excitement on the floor when she sees Bong in front of her.
“I’m here to say thank you, Cora. Regina and I will return to Manila in two days.” She is about to invite him for dinner, but he quickly says goodbye because he says he will again ask Regina for a child. He also asks if they could take her boat in the morning. She says yes and is left alone with the warm soup. She isn’t able to taste it, but she can feel her tongue get burnt. She remembers the image of the pastor slowly leaving the door. She feels like she could take a swing at him and throw several stabs but she never does, all she unleashes is the loud thud of the shutting door.
After the sea mixes with the broken egg, they decide to go to a deeper area. This time, Bong serves as the tour guide to the two women sailing in silence. O how great the creation of our Lord, he says. He takes off his clothes and jumps into the water. He immerses himself in the masterpiece of his creator. Meanwhile Cora lays out careful words like bait. Regina is elusive and chooses to drown in silence. She looks up and Cora notices she has a new bruise on her cheek. How quickly fire is born in the middle of the sea. Cora attempts to jump from the boat and go after the pastor, but Regina holds her back.
“Follow us to Manila!”
Blank. No voice comes out of Cora’s lips. The back of her neck hardens, she can barely nod or look back. Buildings quickly rise in her mind. Along with many routes of blocks and streets. But as she stares at the beach and at Ku£akog’s Penis, she feels her heart anchored to the island.
“I will try.”
Regina stands up. Again spreading her arms like outriggers. Regina asks Cora several times, but she’s tied to the island. Regina completely flies away. Cora tries to watch her until she becomes very small, a fragment, and turns into tears. From the sea she catches the scales from her heart and docks the boat alone.
“Ku£akog and Talarab never had a child. No one knows what their life would have been if they had a child and weren’t stopped by people, by fate, by chance. But we are here in the world where they didn’t end up together, in a world where we don’t know what will happen next.” Cora continues introducing Ku£akog to the new tourists to the island while onboard the wobbly and newly painted boat she names Regina.



