Ang babae sa osipon ni Ana T. Calixto |
The woman in Ana T. Calixto’s osipon

November 5, 2025
This essay and its translation are part of “Osipon” featuring art by Rustom Pujado.
Editor’s Note
The essay that follows is Raniela E. Barbaza’s feminist critique of the osipon “Kuminalpos An Silaod (Slipped the Snare)” by Ana T. Calixto.
The osipon is a narrative form particular to the Bikol region, with traditions and elements that predate the region’s encounter with what would be considered the modern short story. The word “osipon” itself holds several meanings and valences, depending on the context. It could mean stories, narratives, rumors, or gossip. Its root word, “osip,” could mean to gossip, to tell on someone to an authority figure, or conversely, to hold subversive conversations.
Barbaza’s readings of Calixto’s osipon places them squarely in the Bikol narrative tradition, with special emphasis on their reification of the concepts of banwa and kahimanwa, the community and one’s sense of place within a community, respectively. “Banwa” is the Bikol word for community or town. In Barbaza’s scholarship, it takes on a more particular meaning, one that is oppositional to the city—that is, Manila and its corrupting influences.
The osong is a trickster figure in Bikol oral and narrative traditions.
Because of these words’ novel meanings and wordy equivalents, we have decided to keep the words “osipon,” “banwa,” “kahimanwa,” and “osong” in their original Bikol.
—Soleil Davíd, editor
Ang Osong na si Beatriz
Nailathala ang mga osipon ni Ana T. Calixto sa Bikolana, magasing inililimbag sa Kabikulan noong dekada limampu ng siglo beinte. Batay sa mga osipon na may kopya pa rin tayo ngayon, kulang-kulang sa loob ng isang taon na tuloy-tuloy na nagsulat si Calixto ng mga osipon. Inilathala ang unang osipon na may pamagat na “Luyos” noong Hunyo 5, 1955. Noong Abril, 1956 naman inilathala sa magasing Bicolandia ang pinakahuling osipon niya na pinamagatang “Romansa nin mga Puso.” Kung titingnan natin ang mga petsa ng pagkakalathala ng mga osipon ni Calixto, mabubuo ang larawan ng isang manunulat na halos walang tigil sa kaniyang pag-aakda. Katunayan, may apat na isyu ang Bikolana na naglathala ng dalawang osipon ni Calixto sa bawat isyu: Agosto 7, Agosto 14, Oktubre 2 at Nobyembre 27 noong 1955. Pitong araw lang ang pagitan ng isyung Agosto 7 at Agosto 14 ngunit ang dalawang isyung ito ay parehong may dalawang osipong inilathala si Calixto. Sa pangkalahatan, ang pagitan ng mga araw sa mga isyung naglathala ng mga osipon ni Calixto ay wala pang isang buwan. Eksepsyon dito ang pagitan ng pagsulat niya ng osipong “Kamahal Kan Bayad” (Nobyembre 27, 1955) at ng osipong “Mirna” (Enero 15, 1956): apatnapung tatlong araw. Dahil natapat sa buwan ng Disyembre ang mga araw na ito na hindi siya nagsulat at naglathala maaari nating mahinuha na ang dahilan ay ang karaniwang pagkaabala sa kapaskuhan sa Pilipinas. Gayumpaman, mula Hunyo 1955 hanggang sa Abril 1956, labing-siyam lahat ang nalathala niyang mga osipon. Hindi kabilang dito ang iba pang osipon na wala na tayong kopya tulad ng osipon na “Pagkamoot” na ayon sa isyung Hunyo 5, 1955 ng Bikolana ay malalatha sa susunod na isyu na ito. Inanunsiyo rin sa isyung Pebrero 26, 1956 ng magasing Bikolana na may osipon si Calixto na ilalathala ng magasin sa susunod nitong isyu. Sa kasamaang palad, hindi mabasa ang kabuuan ng pamagat ng osipon; tanging “…momoot man palan Siya” ang mababasa dito. May binanggit din si Realubit sa bibliograpiya ng kaniyang libro na dalawa pang pamagat ng osipon ni Calixto: ang “Matalaw” [Duwag] at ang “Magian” [Magaan]. Kung isinulat at nailathala nga ang apat na osipong ito ni Calixto, hindi kukulangin sa 23 osipon ang isinulat at naipalathala ni Calixto.
Walang datos na natagpuan upang matiyak ang pagkatao ni Calixto. Hindi natin alam kung totoo ba niyang pangalan ang Ana T. Calixto o hindi. Hindi natin alam kung babae nga ba siya o hindi. Sa kabila nito, naniniwala akong totoong pangalan ito ni Calixto at babae siya. Nasa isip ko ang isang babaeng manunulat na isinisingit ang pagsulat sa gitna ng mga gawain sa bahay. Ipinagmamalaki niya ang kaniyang paglikhang ito kaya’t totoong pangalan niya ang kaniyang ginamit sa paglalathala. Matagumpay niya itong nagawa sa loob ng isang taon, humigit-kumulang. Sa tingin ko, isang babae ang makasusulat ng osipong “Kuminalpos An Silaod.” Sa osipong ito, hindi lamang Bikolnon si Calixto, isa rin siyang babae. Binali ni Calixto ang sarili niyang paraan ng pag-osip sa osipong ito, dahil hindi na siya nagsusulat bilang Bikolnon lamang kundi isang babaeng Bikolnon.
Sa mga osipon ni Ana T. Calixto, malinaw na Bikol ang sadiring banwa. Lumilitaw sa mga osipon ang Bikol na nakararanas ng lakas ng nasyonalisasyon na isinasakatawan ng larawan ng Maynila at/o Tagalog. Ang katiyakan at kalakasan ng hugis ng sadiring banwa ay tugon sa kalakasan ng hugis ng nararamdamang hindi-sadiring banwa. Lumilitaw ang pangangailangang ito na maigiit ang sadiring banwa sa mga osipon ni Calixto. Hindi alalahanin ng isang indibidwal na nawawala sa kalunsuran ang alalahanin na lumilitaw sa mga osipon ni Calixto. Bagkus, lagi at laging isang kahimanwa. Dahil alalahanin ng banwa ang pangunahin sa osipon, kahimanwa ang paraosip, kahimanwa ang mga pangunahing tauhan, kahimanwa rin ang iba pang mga tauhan sa osipon, at ang dayalog ay dayalog ng kahimanwa at ng buong banwa. Samakatwid, ang osipon ay orosipon ng mga Bikolnon.
Ibig sabihin, ito ang osipon na nagpapanatili sa sadiri ng banwa bilang isang banwa. Kaya nga sa harap ng banta dito (Maynila o Tagalog o dayuhan) marahas nitong ipinapaalala sa mga kahimanwa na manatili sa sadiring banwa dahil ang sinumang umalis dito ay nasisira. Kumikilos ang banwa bilang katotohanan at batas na nagpaparusa sa sinumang tumalikod dito. Paano ngayon kung sa loob ng banwang Bikol ay may nasisikil din pala? Paano haharapin ng mga manunulat na tulad ni Calixto ang ganitong alalahanin?
Sa osipong “Kuminalpos An Silaod,” pagtutuunan ng pansin ni Calixto ang babae sa harap ng mas makapangyarihang lalaki, sa halip na ang banwa sa harap ng banta ng sentro ng bansa. Dahil sa pagbabago ng alalahaning dadalahin ng osipong ito, babaliin nito ang kumbensyon ng mga karaniwang osipon ni Calixto. Sa mga osipon ni Calixto, maliwanag na ang mga kahimanwa ay tauhan. Hindi makakaalis ang isang miyembro ng banwa mula sa paningin, paghuhusga o pagkakalinga ng mga kahimanwa. Sa mga osipong natalakay na sa itaas, “ipinaririnig” ng mananalaysay ang nasa isipan ng kababayan bilang tauhan sa pamamagitan ng dayalog mismo, o sa pamamagitan ng balita. Sa osipong “Kuminalpos an Silaod,” gagamitin ni Beatriz Triumfante, ang pangunahing tauhan, ang rimung-rimung o tsismis para mailigtas niya ang sarili mula sa lakas ng lalaki at ng lipunang nakakiling sa lalaki. Ibig sabihin, sa osipong ito ang banwa na malakas na lumilitaw pa rin sa pamamagitan ng rimung-rimung ay tinatalikdan ng babae dahil sa pagsikil nito sa kaniyang mga hangarin at pangangailangan. Ipinapakita rin sa osipong ito ang pangingibabaw hindi lamang ng lalaki kundi ng lalaking mayaman at may kapangyarihang pulitikal. Bagamat may pahiwatig ng ganitong dibisyon sa banwang Bikol sa iba pang osipon, pangunahin ang pagtalakay sa dibisyong ito sa banwa sa osipong “Kuminalpos An Silaod.”
Nagsimula ang osipon sa isang rimung-rimong na kumakalat sa Ilawod ang banwa ni Beatriz Triumfante:
An arawiga sa Bikol na “Garing nabalik sa luwag” ay iyong nangyari sa kadakul na mga kasolterohan na igwang maimbod na pagmamawot sa pambihirang kagayunan ni Beatriz Triumfante kan madangog sa rimungrimong kan mga taga-Ilawod na napaoho na daa kan biodong mayaman na si Don Lope Caliz an nasabi nang si Beatriz.
Sumugod agad ang kaibigan ni Beatriz sa bahay nina Beatriz upang ibalita rito ang kumakalat na ngang balita sa kanilang bayan. Tumatawang pinatotohanan ni Beatriz ang mga balitang dala ng kanyang kaibigang si Luz. Pinayuhan pa ni Beatriz si Luz na huwag pansinin ang masasamang dilang kung anu-ano ang sinasabi tungkol sa kanya dahil naiinggit lamang ang mga ito sa kaniya. Sa gitna ng mga tsismisang ito ay nanatiling tahimik si Polding, manliligaw ni Beatriz na isang mahirap na manunulat.
Si Don Lope naman ang nakasagap ng balita: nagalit daw si Beatriz nang mabalitaan ng dalaga na nagpaplano ang don ng isang kasayahan para ipaalam na sa kanyang mga kaibigan ang kasal nila ni Beatriz kahit na wala pa silang napagkakasunduang araw ng kasal. Nalaman ni Beatriz na plano ito ng don mula din sa kanyang kaibigan na si Luz nang pumunta ito sa kanila. Malinaw na alam ni Beatriz na anumang sabihin niya sa kanyang kaibigang si Luz ay nakararating sa iba pang tao, at pwes, kay Don Lope. Kaya nabalitaan ni Don Lope ang “pagkagalit” ni Beatriz. Dahil sa balitang ito ay hindi na itinuloy ni Don Lope ang plano niya. Pagkatapos ng balitang ito ay may kumalat na namang balita sa banwa: inilipat na raw ni Don Lope ang lahat ng kanyang mga ari-arian sa pangalan ni Beatriz. Kasunod ng balitang ito ang balitang nagkaroon daw ng malaking tindahan sa Maynila si Polding, ang manunulat na manliligaw ni Beatriz. At pagkatapos nito ay ang pinakanakagugulat na balita sa lahat: nawawala si Beatriz.
Ang huling tagpo ay ang pagkakita ni Luz sa kanyang kaibigang si Beatriz sa loob ng tindahan ni Polding sa Maynila. Nagtatawang sinabihan ni Beatriz si Luz na ipamalita niya sa kanilang banwa na hindi na siya uuwi doon dahil kasal na sila ni Polding. Si Beatriz, ang triumfante, na nagwagi sa labanang ang pag-aakala ng mga lalaki sa kanilang nayon ay labanan lamang nilang mga kalalakihan, at si Beatriz ang premyo. Makikita dito ang paggamit ni Beatriz ng kanyang pag-iisip sa halip na damdamin lamang. Inaamin niya ang pagkagusto niya kay Polding ngunit nalalaman din niya na hindi ito sapat para mabuhay. Sa buong osipon ay hindi lumitaw si Polding kundi sa katapusang eksena na kasama na ni Beatriz. Sa kanilang pag-iibigan, si Beatriz ang gumawa ng paraan para sila magkatuluyan nang hindi naman nila kailangang mahirapan. Upang magawa niya ito, ginamit ni Beatriz ang inaakala ni Don Lope na alas niya sa labanang si Beatriz ang premyo: ang yaman niya. Maganda si Beatriz at bata. Walang dahilan kung bakit magkakagusto siya sa isang biyudong matanda na iba and mundo sa kanya. Ibig sabihin gagamitin ni Don Lope ang isang bagay na mayroon siya na sa palagay niya ay makakapanalo sa kanya sa “labanan” – ang pera niya. Ang panliligaw niya samakatwid kay Beatriz ay pagpapahayag ng kanyang paniniwalang maaaring makuha sa pera si Beatriz. Sa madaling salita, binili ni Don Lope si Beatriz.
Kaya sa katapusan, si Beatriz ay si Bantong na nakapatay sa halimaw na sumasalakay sa kanilang banwa. O si Juan Osong na nag-asar sa mga gwardiya sibil. O si Don Alejandre na ininis ang higante hanggang mapagod ito at makatulog kaya’t napatay ni Don Alejandre. Napagtagumpayan ni Beatriz Triumfante ang lahat. Ang hina ng loob at kawalan ng paraan ni Polding, ang pagtingin sa kanya ni Don Lope na isang dalagang mabibili ng pera niya, at ang pag-iinsulto sa kanya ng mga binatang hindi siya “nakuha.” Tatapusin ni Calixto ang osipon sa pagbibilin ni Beatriz kay Luz nang makita siya nito sa tindahan ni Polding sa Maynila:
“Basta pagpuli mo satuya, Luz, ibareta mo na lamang sa satuyang mga kahimanwa na dai na ako mapuli,” an sabi ni Beatriz na dangan pinisil pa an kamot kan kataning na si Polding.
Nagpamalas sa osipong ito si Calixto ng kontrol sa takbo ng mga pangyayari na hindi karaniwan sa kaniyang ibang mga osipon. Sinimulan ang osipon sa balitang kumakalat sa bayan ng Ilawod. Ang sumunod na eksena ay magpapahiwatig ng pagkontrol ni Beatriz sa mga susunod na mga pangyayari: “An baretang iyan ay pinatotoohan naman tulos ni Beatriz sa saro niyang kaamigang daraga kan haputon siya kaini” (Ang balitang iyan ay pinatotoohan naman agad ni Beatriz sa isa niyang kaibigang dalaga nang tanungin siya nito). Ipapakita sa pag-uusap nina Beatriz at Luz na malay si Beatriz sa papel ng mga kahimanwa sa pamumuhay ng isang miyembro ng kanilang banwa. Pagkatapos sabihin sa kanya ni Luz ang pangungutya sa kanya ng mga binatang dating nanligaw sa kanya, aaminin niya kay Luz na “Bayaan mo sana ta an nagcricriticang iyan sakuya ay magkakasorpresa na lamang pag-abot kan oras” [Hayaan mo at ang mga nagbibintang na mga iyan sa akin ay magugulat na lamang pagdating ng tamang oras]. Ang mga sumunod na mga pangyayari ay ayon sa mga pinalano ni Beatriz. Hanggang sa malaman na nga lamang ni Luz na binalak lahat ni Beatriz ang mga pangyayari.
Ipinapakita rin ng osipong ito ang pagkakaugat ng osipon sa tradisyong naratibo ng panitikang Bikol. Kinikilala nito ang osipon bilang salaysay ng banwa. Ang konteksto ng mga pangyayari ay isang banwa sa Bikol. Naroroon pa rin ang kahimanwa bilang kaorosipon, bilang tauhan, bilang nareytor. Ang paggamit ng talino, ang pagkaosong, sa pagharap sa kalaban ay maliwanag na tanda ng pagkamalay sa tradisyong naratibo.
Makikita natin ito sa pagkaosong ni Bantong, pangatlo sa tatlong bayani ng epikong Ibalon. Si Bantong ang nakapatay kay Rabot, ang halimaw na kalahating hayop at kalahating tao. Bago siya mapatay ni Bantong, hindi siya mapatay ng kahit na sinong matapang na mandirigma. Nagiging bato ang sinumang mangahas na lumapit kay Rabot. Ngunit si Bantong ay matalino. Tama ang kanyang hinala na maghapong natutulog si Rabot. Kaya’t isang araw, pinatay ni Bantong si Rabot bago ito magising. Si Bantong ang kasa-kasama ng matanda na noong si Handiong—ang pangalawang bayani ng epiko na matagal na naging hari ng kaharian ng Ibalon. Ipinapahiwatig ng detalyeng ito ng rawit-dawit na marahil si Bantong ang pinakamatapang na mandirigma ng Kabikolan noong panahong matanda na si Handiong. Ngunit hindi tulad ng iba pang matatapang na mandirigmang nagtangkang pumatay sa halimaw na si Rabot si Bantong. Sa halip na lakas ay talino ang ginamit para patayin si Rabot. Ang hinala niyang natutulog ang halimaw maghapon ay maaaring napatunayan sa pamamagitan ng matiyagang pagmamatyag mula sa malayo. Nagplano si Bantong, ginamit ang utak bago ang lakas para hatiin sa dalawa ang katawan ni Rabot.
Ang paggamit ng talino bilang paraan ng pagharap sa kalaban ay patuloy na lilitaw sa iba pang anyong pasalaysay ng Bikol. Isang halimbawa ito ng pagbabago ng paksain ng mga akda ngunit nanatili ang temang sinasagisag nito. Isa sa mga kilalang tauhan sa panitikang binibigkas ng Bikol si Juan Osong. Si Juan Osong ang Juan Tamad ng panitikang Bikol, ngunit osong si Juan ng mga Bikolnon, ibig sabihin ay matalino o mas tiyak, wais. Matalino rin ang wais, tulad ng osong, ngunit ang salitang wais ay nagpapahiwatig ng paggamit ng talino sa isang sitwasyong aakalaing mahirap maigpawan. Sa epikong Ibalon ang pagpatay sa halimaw ay inakala nang imposible matapos na mapatay nito ang mga matatapang na mandirigma ng Ibalon. Mas malaki at mas malakas ang halimaw, kayat hindi maaring matalo. Osong si Bantong sa epiko dahil sa halip na harapin ang kalaban nito sa pamamagitan ng lakas at laki, ginamit niya ang kanyang utak. Osong din si Don Alejandre sa isang koridong Bikol sa pakikipaglaban sa isang higante na nakagapi niya sa pamamagitan ng pang-aasar. Sa panitikang pasalaysay ng Bikol, muli’t muling lilitaw ang paggamit ng talino bilang paraan ng pagharap ng isang mas mahina sa isang mas malakas at mas makapangyarihang kalaban—mula sa mga kwentong pambayan hanggang sa mga korido hanggang sa mga osipon ni Ana T. Calixto.
Nagmula sa “Mga Osipon ni Ana T. Calixto: Paggigiit ng Sadiring Banwa sa Osipon, Maikling Kathang Bikol, 1950-1956”
The Osong That is Beatriz
In the 1950s, Filipino writer Ana T. Calixto’s osipon were published in Bikolana, a magazine printed in the Bikol Region. Based on the osipon that we still have copies of today, Calixto published continuously in the span of almost a year. The osipon titled “Luyos (Wither)” was published on June 5, 1955. Less than a year later, in April 1956, the last of her osipon, titled “Romansa nin mga Puso (Romance of the Hearts)” was published in the magazine Bicolandia. Looking at these publication dates, we see a picture of a writer practicing her craft nonstop. In fact, four issues of Bikolana published two of Calixto’s osipon in each issue: August 7, August 14, October 2, and November 27 in 1955. There was only a gap of seven days between the August 7 and August 14 issues, but they both contained two of Calixto’s osipon. Overall, the gaps between the issues that published Calixto’s osipon were less than a month. The exception to this is the gap between “Kamahal Kan Bayad (The Price Is Too High)” (November 27, 1955) and the osipon “Mirna” (January 15, 1956)—forty-three days. Since these days fell around December, when she seemed to have not written or published anything, we can infer that the reason was the usual preoccupations during the Christmas season in the Philippines. Nevertheless, from June 1955 to April 1956, she published a total of nineteen osipon. This does not include other stories for which we no longer have copies, such as the osipon “Pagkamoot (Love)” which, according to the June 5, 1955 issue of Bikolana, was to be published in the next issue. It was also announced in the magazine’s February 26, 1956 issue that it would publish a new osipon by Calixto in its next issue. Unfortunately, this osipon’s full title is unreadable; only “…momoot man palan siya (…was in love too)” is legible. In the bibliography of Bikols of the Philippines (1983), literary scholar Maria Lilia F. Realubit mentions two more osipon by Calixto: “Matalaw (Coward)” and “Magian (Light).” If these four stories were indeed written and published, then Calixto would have written and published no less than twenty-three osipon.
Despite her prolificity, there is no data to confirm Calixto’s biographical identity. No hospital nor church records about her have been found, therefore we do not know if her real name was Ana T. Calixto, or if it was a nom de plume. Despite the lack of evidence, this researcher believes that Ana T. Calixto published under her real name, and that she was a woman whose writings reflected her own time. This researcher imagines a woman incorporating writing in between her household chores. She takes pride in her craft, which is why she used her real name for publication. She successfully accomplished this in about a year. For this researcher, only a woman could have written these osipon, filled as they are with female interiority. In Calixto’s work, we see an advancement of the Bikol narrative tradition—one that blends the region’s long-standing traditions with a particular Bikolnon woman’s sensibility.
Calixto’s stories are perfect examples of the osipon—a reportage of Bikolnon life and concerns. Her osipon does a lot of work to establish Bikol as its own banwa, separate from the city. Her tales reflect a Bikol encountering the strong nationalism represented by the city of Manila and the language of Tagalog. The certitude and potency of the imagined own banwa is a response to the power of the perceived Other Nation. The need to assert Bikol as one’s own banwa—having its own identity within, but also apart from, the rest of the country—repeatedly emerges in Calixto’s osipon. Calixto’s writing surfaces quite different concerns from those of an individual lost in the urban landscape of the other banwa. Calixto shows her protagonists as eternally a kahimanwa, or one with their own banwa. Because the concerns of the banwa is central to Calixto’s osipon, it is the banwa who is the narrator and it is the members of the banwa who supply the dialogue. These elements of fiction exercise their influence on the protagonists and supporting characters, individuals who are also very much embedded in the banwa.
It follows, then, that the osipon becomes a vehicle to inform and reinscribe the identity of the banwa. Thus, in the face of perceived threats (Manila or Tagalog or foreigners), the osipon forcibly reminds people to remain within the confines of the banwa, or else risk alienation. The banwa acts as a certainty and as a law that admonishes anyone who turns away from it. So what happens when someone inside the banwa that is Bikol feels oppression? How do writers like Calixto confront such concerns?
In the osipon “Kuminalpos An Silaod (Slipped the Snare),” Calixto focuses on a woman confronted by a more powerful man, rather than on the banwa facing threats from the country’s capital. Because a different concern is centered in this tale, it breaks the convention of Calixto’s usual osipon. In this osipon, it is clear that the protagonist is very much embedded in the banwa. They cannot escape the observation, judgment, or nurturing of the banwa.
In this osipon, the narrator gives voice to the thoughts of characters through the dialogue itself, or through news. The main character, Beatriz Triumfante, uses murmurings or rumors to save herself from the power of the man and the male-biased society. In this osipon, the banwa is rejected by the woman because it stifles her desires and needs. This osipon also shows the dominance not only of men, but particularly men of wealth and political power. Although there are allusions to such divisions in the Bikol banwa in Calixto’s other osipon, “Kuminalpos An Silaod” gives primary focus on this particular predicament.
The osipon begins with a rumor spreading in Beatriz Triumfante’s town of Ilawod:
An arawiga sa Bikol na “Garing nagbalik sa luwag” ay iyong nangyari sa kadakul na mga kasolterohan na igwang maimbod na pagmamawot sa pambihirang kagayunan ni Beatriz Triumfante kan madangog sa rimungrimong kan mga taga-Ilawod na napaoho na daa kan biodong mayaman na si Don Lope Caliz an nasabi nang si Beatriz.
The Bikol adage “garing nagbalik sa luwag” was what happened to many young bachelors who were staunchly in love with the unique beauty of Beatriz Triumfante when it was heard, like the ringing of the church bells, from the townsfolk of Ilawod that the suit of the wealthy widower who was Don Lope Celiz was accepted by the said Beatriz.
Beatriz’s friend Luz hurriedly goes to Beatriz’s house to inform her of the spreading rumor in their town. Beatriz laughingly confirms the news. Beatriz even advises Luz not to mind the malicious tongues that are saying various things about her as they are just envious of her. Amidst all these rumors, Polding, a poor suitor of Beatriz, remains silent.
Don Lope, shortly after, catches wind of some other news: Beatriz is said to be angry when the young woman hears that the don is planning a celebration to announce their marriage to his friends, even though the rumored couple have not yet agreed on a wedding date. Beatriz learns of this plan as well from her friend Luz when she visits her. It is clear to Beatriz that anything she says to her friend Luz would slip to other people and, ultimately, to Don Lope. Thus, Don Lope receives the news that Beatriz is upset. Because of this information, Don Lope decides to forego his plan of a celebration altogether. After this news, whispers breeze through the banwa: Don Lope is said to have transferred all his properties into Beatriz’s name. Following this rumor, it is heard that Polding, Beatriz’s writer suitor, has opened a large store in Manila. After this comes the most shocking news of all: Beatriz is missing.
The final scene shows Luz finding Beatriz inside Polding’s store in Manila. Beatriz laughingly tells Luz to spread the word all over the banwa that she is no longer going back to Ilawod because she is now married to Polding. Beatriz, the triumphant, wins the battle that, until then, the men in their banwa believed to be a contest among them, with Beatriz merely being the prize. It can be seen here how Beatriz relies on her shrewdness rather than just her emotions. She accepts her affection for Polding, but understands that this alone will not be enough to sustain a good life. Polding himself only appears in the final scene, already married to Beatriz. In their romance, it is Beatriz who takes the initiative to ensure they end up together, without them having to experience the difficulties that would have come with their socioeconomic status. To achieve this, Beatriz takes advantage of what Don Lope believes was his edge in the contest where Beatriz is the prize: his wealth. Beatriz is young and beautiful. There is no reason for her to fall for an old widower, at least according to the entire town. This means that Don Lope would have had to use something he has that he believes will make him win the “game.” His courtship of Beatriz, therefore, is an expression of his belief that his money will win him Beatriz. In short, Beatriz is his to buy.
One of the more familiar characters in the oral tradition of Bikol is Juan Osong, the region’s equivalent to the Tagalog oral tradition’s Juan Tamad. But unlike Juan Tamad’s exploits, which revolve around his being tamad (lazy), so that he is always inventing ingenious shortcuts to make his life easier (much to the chagrin of his superiors), Juan Osong, as his name suggests, is an osong, a trickster: smart, precise, and cunning—“wais” in contemporary parlance. Someone who is “wais” is intelligent, to be sure, but the word also denotes someone who uses their smarts to overcome difficult situations that otherwise seem inescapable.
We also see this quality of being an osong come out in the cunning of Bantong, the third hero of Bikol’s Ibalon epic. When Bantong is introduced in the epic, Rabot, a monster who is half horse, half human, is terrorizing the people of Ibalon. Nobody can kill Rabot, not even the bravest of warriors. Those who dare approach the monster are turned into rocks. But Bantong is cunning. He patiently observes Rabot from afar and concludes that the monster sleeps the entire day and only comes out to wreak havoc during the night. One day, while the sun is still up, Bantong kills Rabot before it has woken up. Other details woven in the epic show that perhaps Bantong is the bravest of all heroes in the land of Ibalon. However, Bantong is unlike the other brave warriors who tried slaying Rabot the monster—he uses not his might alone, but his mind. Bantong here is the epic’s osong, because instead of facing the monster with his brute strength, he uses his wits.
By the end of “Kuminalpos an Silaod,” Beatriz has proven herself to be the epic hero Bantong, who slays the monster Rabot, not with might but with wits. She is not the damsel in distress in the story, but the archetypal trickster Juan Osong who gets away with taunting the guardia civil. Beatriz Triumfante is victorious over all these—Polding’s weakness and lack of initiative, Don Lope’s miscalculation that Beatriz can be bought with his riches, and the young bachelors’ swipes at her character, because they were not able to “win” her. Calixto ends the osipon with Beatriz giving instructions to Luz when the latter finds her in Polding’s large store in Manila:
“Basta pagpuli mo satuya, Luz, ibareta mo na lamang sa satuyang mga kahimanwa na dai na ako mapuli,” an sabi ni Beatriz na dangan pinisil pa an kamot kan kataning na si Polding.
“Basta when you go home, Luz, tell our townsfolk that I will not be coming back,” said Beatriz as she squeezed the hand of Polding next to her.
What can be gleaned from this particular Calixto osipon is the author’s command in developing events, a command that is not typical of her other stories. By making the town’s osip work in her favor, everything that transpires is precisely according to Beatriz’s plan.
This particular osipon, then, does more than just inform the identity of the community as a banwa. In the face of oppression within the banwa, the protagonist also asserts herself as her own person outside the community. Thus, when Calixto writes of Beatriz situating herself beyond the banwa (“dai na ako mapuli;” “I will not be coming back”), she nevertheless clearly sets out the identity of the banwa as its Own Nation that she is still part of although detached from (sa satuyang mga kahimanwa; our townsfolk).
Despite the difference that goes beyond the usual Bikol narrative, we can nevertheless see in this story that osipon is rooted in the narrative tradition of Bikol, and that osipon is a narrative of the banwa. The context of the events is a town in Bikol. The members of the community are very much present as they play the part of the osipon (here using the word’s meaning of gossip), the protagonists, and the narrator themselves. The shrewd use of reason when facing antagonists only serves to strengthen the story’s consciousness of the Bikol region’s narrative tradition.
Ana T. Calixto does not just provide a study of the cultural and social dynamics of her time and place through her osipon, but she herself challenges the traditional gender roles and asserts a distinct Bikol identity—a Bikolana woman identity in particular—amidst the influences of the banwa and the city. Hence, we see again and again protagonists who use cunning when facing a far stronger and more powerful enemy in Bikol’s narrative tradition—from folktales to korido, up to Calixto’s osipon.
Excerpted and adapted from “Mga Osipon ni Ana T. Calixto: Paggigiit ng Sadiring Banwa sa Osipon, Maikling Kathang Bikol, 1950-1956”



