| From the Countryside to the Cities
Rebolusyonaryong panulaan noong panahon ng batas militar |
Revolutionary poetry during the martial law years
September 20, 2022
The following essay and its translation are part of the Against Forgetting notebook, with art by Neil Doloricon.
Editor’s Note: The following is an excerpt from Noel Pangilinan’s bachelor’s thesis, Isang Panimulang Pagsusuri sa Rebolusyonaryong Panulaan sa Pilipinas (An Initial Analysis of Revolutionary Poetry in the Philippines). Written in Filipino in 1987, and translated by Jhong C. Delacruz.
Mula sa Kanayunan Tungo sa Kalunsuran
Noong unang bahagi ng 1982, may lumabas na librong may dilaw na takip na may titulong Mga Tula ng Rebolusyong Pilipino (1972-1980), isang kalipunan ng mga tulang “lihim at ilegal.” Sa pagitan ng magkabilang dulo ng pabalat nito’y nakapaloob ang halos isang daang tula (99 para maging eksakto) na sumasalamin sa “api’t pinagsasamantalahang kalagayan ng lipunan at mamamayan, sa sama-samang pagkilos ng mamamayan at pagsulong ng armadong pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya.
Dalawang taon ang nakaraan, noong 1984, nalathala ang Magsasaka: Ang Bayaning Di Kilala, isa namang antolohiya ng mga tula, maikling kuwento, awit at sining biswal na nalikha sa gitna ng rumaragasang kilusang magsasaka sa buong kanayunan ng Pilipinas. Taglay ng mga obrang kalahok sa koleksyong ito ang kalagayan at pakikibaka ng masang magsasaka, ang pinakamalaking uring panlipunan sa lipunang Pilipino. Itinataguyod ng mga likhang panitikan at sining na kasama sa antolohiya ang layunin ng mga magsasakang “lutasin ang problema sa lupa at pyudal na pagsasamantala na siyang pangunahing nilalaman ng kasalukuyang demokratikong rebolusyong bayan.
Ang magkasunod na pagsulpot ng dalawang aklat na ito ay hindi maaaring maliitin lamang bilang aksidente ng kasaysayan, o kaya’y putok sa buho. May kongkretong batayan at mahalagang mensahe ang pagkalathala ng Mga Tula at ng Magsasaka. Higit pa siguro, mayroon din itong mahalagang implikasyon—sa lipunang Pilipino, sa panitikang Pilipino.
Maaaring sabihin na ginulantang tayo ng paglabas ng dalawang antolohiyang nabanggit sa inabot na antas ng pag-unlad at paglago ng tinatawag na rebolusyonaryong panitikan. Halos lingid sa kaalaman nating mga nakabase dito sa kalunsuran ang pagyabong at pamumulaklak ng rebolusyonaryong panitikan sa kanayunan. Kaiba sa naging paraan ng paglaganap ng mga bagong sumusulpot na tipo ng literatura sa kasaysayan ng Pilipinas, na kadalasa’y nagsisimula sa sentrong lungsod patungo sa liblib na baryo (kulturang tagabayan-tagabukid), ang rebolusyonaryong panitikan ay lumaganap at umunlad sa kanayunan at kabundukan, at ngayo’y unti-unting bumababa sa kalunsuran at kapatagan.
Marapat banggitin na ang dalawang librong nabanggit ay kapwa inilimbag ng kilusang lihim at mga organo ng rebolusyonaryong kilusang aktibong kumikilos ngayon sa Pilipinas. Mababakas mula rito ang mataas na pagpapahalagang ibinibigay ng rebolusyonaryong kilusan sa paglilinang ng “bagong uri” ng panitikan at sining, at pagpupunyagi nitong pagyamanin at paunlarin ang nasabing rebolusyonaryong literatura.
Patunay dito ang binanggit ng tagalathala ng Mga Tula ng Rebolusyong Pilipino na layunin ng paglalabas niyon sa kanyang paunang salita na, “higit pang masigla ang paglaganap ng panulaan bilang anyo ng rebolusyonaryong sining at panitikan.”
Sa paunang salita naman ng Magsasaka: Ang Bayaning Di Kilala, nilinaw ng tagapaglimbag nito ang layunin ng paglalabas ng antolohiya. Layon nitong “maipakilala sa mas malawak na paraan ang bagong panitikan at sining na kaugnay at nagsusulong sa kilusang magsasaka,” at “mahikayat sa paglikha ang mas marami pang manunulat at artista mula sa hanay ng mga aktibistang magsasaka, gayundin ang mga manunulat at artista na nakabase sa siyudad.”
Hudyat ang paglabas ng dalawang antolohiya ang pagtatangkang “pababain” na mula sa kanayunan ang rebolusyonaryong panitikang ito. Ang paglaganap ng mga nabanggit na aklat dito sa lungsod ay nagparamdam at nagbigay-malay sa atin sa katotohanang may nagpupuyos na bagong tipo ng panitikan at sining sa labas ng kamaynilaan at naroon sa mga liblib na parte ng Pilipinas.
Ang panulaan ang siyang pinakamasiglang porma ng rebolusyunaryong panitikan. Mula noong huling bahagi ng 1972 hanggang sa kasalukuyan, may ilandaang tula ang nalikha ng rebolusyunaryong kilusan. Ang panulaan ay siyang pinakamayamang larangan ng rebolusyonaryong literatura.
Narito ang ilang halimbawa.
Ang “Magsasaka: Ang Bayaning Di-Kilala” ay salin mula sa orihinal na tulang Kapampangan na may pamagat na “Ortelano: Ing Bayaning Era Balu” na sinulat ng isang makatang magsasaka sa Pampanga. Popular ang tulang ito sa hanay ng organisadong magsasaka noon pa mang mga unang taon ng dekada 70. Lalong lumalaganap ang paggamit nito sa mga pulong-masa ng mga magsasaka mula nang maisalin ito sa Pilipino noong 1978 at sa Ilokano noong 1980. Ang salin sa Pilipino ay unang nalathala sa Ulos, isang pambansang pangkulturang magasin ng pambansang-demokratikong kilusan.
Sa loob ng labing apat na saknong ng tula, inilalarawan ang abang buhay ng magsasaka, at iniuugat kung ano ang sanhi ng karukhaan at kaapihan ng mga magbububkid. Ang unang pitong saknong ay nagpaparangal sa kasipagan at pagtitiyaga ng magsasaka sa paggawa sa bukirin. Inilalarawan naman ng ikawalo hanggang ika-13 saknong ang pang-aapi at pagsasamantala sa mga magsasaka. Dramatikong inilalahad naman sa huling saknong ang panawagan para sa armadong pakikibaka bilang tanging paraan ng paghango ng mga magsasaka mula sa api’t pinagsasamantalahang kalagayan.
Ang tulang “Bawa’t Kasama’y Singhalaga ng Punlang Palay” ay salin mula sa Ingles na “A Comrade is as Precious as a Rice Seedling.” Ito ay isinulat ni Clarita Roja, at kasama sa koleksyong The Mass Line (A Second Remoulding); Poems by a Filipina Revolutionary na nalimbag noong 1977. Ang paghahalintulad sa isang rebolusyunaryo sa punlang palay ay bunga ng magkatimbang na pagpapahalaga at pag-aaruga ng magsasaka sa mga rebolusyonaryo at sa kanyang palay. Gayundin, ang rebolusyonaryo’t punlang palay ay kapwa nagpapatatag sa magsasaka—“magsisilang sa ibang punla, na siyang tutugon sa kawalan ng pagkain, lupa at katarungan para sa mga salinlahi ng mga magsasaka.”
“Ang Mandirigma ng Sambayanan” ay isa sa mga tulang nasulat ng makatang si Emmanuel A.F. Lacaba habang nasa katimugang bahagi ng Mindanaw. Ito ay salin mula sa orihinal na Ingles na “The People’s Warrior.” Sa tulang ito, ang pulang mandirigma ay inihahalintulad sa iba’t ibang aktibidad at okupasyon: sa isang atleta na umaakyat sa bundok; sa isang sirkero na naninimbang sa mga buwal na kahoy; sa isang aktor sa tanghalan ng rebolusyon; at sa isang komedyante dahil pinapakita niya sa masa ang kabalintunaan ng kanilang kalagayan, at dahil pinasisigla at pinatatawa niya ang mga masa upang malugod na sumuong sa pakikidigma. Sa pamamagitan ng paghahalintulad, naipapakita sa tula ang estilo ng pamumuhay at iba’t ibang aspeto ng buhay ng mga pulang mandirigma.
Malalagom mula sa paglalahad na ito ng pinapaksa ng rebolusyonaryong panulaan na ang mga akdang mula sa kilusang lihim ay nagpapalaganap at naglilinaw ng mga pananaw, panawagan, paninindigan, patakaran at pamamaraan ng demokratikong rebolusyong bayan. Mayroon itong lantay na pampulitikang tungkulin: layon nitong pukawin at pagkaisahin ang mga mamamayan kung paano titingnan ang kanilang api’t pinagsasamantalahang kalagayan, at kung paano babakahin ang mga puwersang nagpapanatili sa gayung kaayusan.
Sa bawat linya’t taludtod ng rebolusyonaryong panulaan, dumadaloy ang pagpapahayag ng mga rebolusyonaryong ideya, sa pagsalamin sa abang buhay ng masa, sa pangangailangang kumilos para sa isang rebolusyon, sa pag-unawa sa mga prinsipyo nito, at sa pagtatag ng panindigan sa pakikibaka.
From the Countryside to the Cities
In the first part of 1982, a yellow-covered book entitled Mga Tula ng Rebolusyong Pilipino (1972-1980) [Poems of the Philippine Revolution (1972-1982)] was released, a collection of poems considered “clandestine and illegal.” Between its covers were almost one hundred poems (ninety-nine to be exact) that reflect the “oppressed and exploited state of [Philippine] society and its people, the collective action of the people and the advance of the armed struggle for national liberation and democracy.”
Two years later, in 1984, Magsasaka: Ang Bayaning Di Kilala (Peasant: The Unknown Hero), was published. An anthology of poems, short stories, songs, and visual art created in the midst of the raging peasant movement across the whole Philippine countryside, the works in Magsasaka spoke of the conditions and struggles of the peasant masses, the largest social class in Philippine society. The literary and artistic works in this anthology advanced the peasant goal to “solve the land problem and feudal exploitation,” which is the main content of the current people’s democratic revolution.
The consecutive publication of these two books cannot be reduced to an accident of history, or some author’s whim. There is a concrete basis and an important message behind the publication of Mga Tula and Magsasaka. The coming out of these books have significance and implications on Philippine society and Philippine literature.
The publication of these two aforementioned anthologies is utterly unprecedented, in both the level of development and growth of what we call revolutionary literature. It is almost unknown to those of us in the urbanized areas just how much the revolutionary literature of the rural areas is thriving and flourishing. This represents a different pattern through which literature moves in the Philippines. Traditionally literature develops around the urban centers and grows outward to rural areas (tagabayan-tagabukid culture). In contrast, revolutionary literature took root and continues to grow in the countryside and mountain villages, gradually finding its way to the lowland and urban areas.
It is worth mentioning that these two books were both published by the underground movement and the organs of the revolutionary movement, which are now actively organizing in the Philippines. One can glean from this the great importance given by the revolutionary movement to the creation of a “new type” of literature and art, and its striving to nourish and cultivate revolutionary literature.
The publishers of Mga Tula prove this in their preface, writing of their goal to “further enliven poetry as a form of revolutionary art and culture.” In the introduction of Magsasaka, the publishers make their objective in releasing the anthology clear: “To introduce the breadth of the new type of literature and art linked with and advancing the peasants’ struggle,” and “to inspire even more writers and artists from the ranks of peasant-activists, including those writers and artists based in the city to come up with more literary and artistic works.”
These two anthologies heralded the beginning of an effort to bring the stories from the far-flung fringes of the countryside to the city centers. The propagation of these aforementioned works here in urban areas raises both our awareness and consciousness that there is a new type of literature and art, outside of the greater Manila area—that which is deeply rooted in the Philippine periphery.
Poetry is the most prolific form of revolutionary literature. From late 1972 to the present (1987), hundreds of poems have already been written by the revolutionary movement. Poetry is the most enriched form of revolutionary literature.
Let us now take a look at some examples.
The poem “Magsasaka: Ang Bayaning Di-Kilala” is a Filipino translation from the original Kapampangan poem “Ortelanu: Ing Bayaning Era Balu” that was written by a peasant-poet in Pampanga. This poem has been popular among the ranks of peasant-organizers ever since the early 1970s. It was further popularized in mass meetings with peasants when it was translated to Filipino in 1978 and Ilokano in 1980. The Filipino translation was first published in Ulos (Thrust), a national cultural magazine for the national-democratic movement.
Within the fourteen stanzas of “Magsasaka”, the poet illustrates the destitute life of the peasant, and identifies the root causes of the poverty and oppression experienced by the peasantry. The first seven stanzas honor the hard work and perseverance of the farmers as they labor in the fields. Stanzas eight to thirteen describe peasants’ oppression and exploitation. The final stanza dramatically raises the call for armed struggle as the only solution to lift the peasant class from its oppressive conditions.
The poem “Bawa’t Kasama’y Singhalaga ng Punla ng Palay” is a translation from the English, “A Comrade Is as Important as a Rice Seedling.” Written by Clarita Roja, it was published in 1977, and included in the collection The Mass Line (A Second Remoulding): Poems by a Filipina Revolutionary. The comparison of a revolutionary with a rice seedling was borne out of the same importance and great care given by the peasants both to revolutionaries and to their rice grain. In a similar manner, the revolutionary and the rice seedling mutually give strength to the farmer— “bearing new seeds, that will become the solution to the lack of food, land, and justice for generations of farmers.”
“Ang Mandirigma ng Sambayanan” is one of the poems written by the prolific Emmanuel A.F. Lacaba while he was based in the southern part of Mindanao. This poem was a translation from the English original, “The People’s Warrior.” In the poem, the red fighter is compared to a variety of activities and occupations, an athlete scaling a mountain, an acrobat balancing on fallen trees, an actor on the stage of the revolution, and a comedian humoring the masses and encouraging them to join the struggle. Through these different modes of comparison, the poem shows the revolutionary warriors’ lifestyle and the different aspects of their lives.
One can essentially conclude from this overview of revolutionary poetry that the works of the underground movement serve to propagate and clarify the viewpoint, calls, policies, and tactics of the people’s democratic revolution. Revolutionary poetry has a clear political objective: to arouse and unite the people in how to view their oppressive and exploitative conditions, and how to rise up against the forces that maintain the status quo.
In every line and stanza of revolutionary poetry, revolutionary ideas burst forth: in reflecting the humble lives of the masses, in underscoring the urgency to take action in the revolution, in understanding its principles and in strengthening one’s resolve in the struggle.